Inggit

Kagabi nagising ako sa isang usapan ng kababatang kong kapatid at yung kaibigan niya sa Discord.

Hindi ko mapigil sarili ko na makinig habang nagkukunwaring natutulog.

Pinaguusapan nila yung perang nakita nila, mga oportunidad na lumayas sa tahanan, at mga paraan para palaguin yung pera nila sa crypto at mga larong MMORPG.

Nung naririnig ko yun, sa kalooblooban ko para bang nagkakaroon ng butas sa puso at tiyan ko sa sobrang inggit.

Lahat ng mga pinangarap ko para sa sarili ko nagagawa ng kapatid kong hindi sineryoso ang pagaaral.

Hindi matanggal sa isipan ko na para bang walang saysay yung pormal na edukasyon ko. Pinaghirapan ko to at hinulog ko sarili ko para maging isa sa mga estudyante magkakaroon ng Latin Honors, pero ano ang bisa?

Ano ba ang bisa nagpapagkaroon ng karangalan sa unibersisdad kung wala naman akong nakukuhang pera sa kasalakuyan at sa kinabukasan.

Hindi ko mapigilan sarili kong hindi mainggit.

Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako naiinggit. Naiinis ako sa sarili ko bakit yung utak ko napormat sa pera bilang sukat ng pagtagumpay sa buhay. Naiinis ako sa sarili ko na wala akong magawa at para bang wala kusa tulad ng kapatid ko.

Leave a comment