Tuwing nagpapupulong kami ng mga groupmates ko, ang sarap sa pakiramdam na lahat sila gusto maging parte ng proyekto. Yung mga tipong taong willing magcontribute.
Grabe, sobrang bihira lang yung mga taong ganon. Ako naman sobrang swerte na naging kagrupo sila sa tatlong iba’t ibang subject.
Sa grupo na to, alam ko na lahat ng tao doon pwede maging lider. Walang duda na makakagawa pa rin kami ng magandang resulta sa kahit anong proyekto haharapin namin kung sino man nakaupo sa pwesto ng lider
Dito sa grupo na to, ako ang pinili ng lider. Binigay nila lahat ng tiwala nila sa akin para i-lead sila sa mga gawain. Sobrang nakakahumble na yung mga taong nasa grupo binigay ang posisyon kahit hindi ako yung pinakamahusay, masipag, atsaka matalino.
Kaya naman gagampanan ko yung mga responsibilidad ko bilang lider na hindi sila biguin.
Ayoko sila biguin kasi alam ko naman na hindi nila ako bibiguin sa kahit ano mang pagkakataon.