Corned Beef

Hindi ko alam bakit, pero corned beef talaga yung pinaka-versatile na de lata para sakin.

Pang maramihan kasi to eh. Yung pang big boy.

Pwede siya kainin kahit painitin mo lang, prito mo, o kaya naman gawin mong sahog sa gagawin mong pagkain.

Naging malapit sa buhay ko yung corned beef dahil sa isang pagkain.

Corned beef spaghetti.

Man, hindi ko ini-exaggerate kung sasabihin ko na yung corned beef spaghetti yung nagpabuhay sakin nung senior high school.

Ito talaga yung pagkain na, una pa lang, pang matagalan. Pangalawa, maramihan pa. Pangatlo, sobrang daling gawin.

Ito talaga yung malalagay ko sa S-tier kasama ng sardinas at miswa. Ito yung ultimate tipid tips at comfort food pag walang-wala ka na.

Leave a comment