Nakakalungkot man isipin pero yung mga nakikita ko sa media lagi na lang may pinipilit ibenta sayo.
Mapa-TikTok, Instagram, YouTube, at Facebook. Walang takas na advertisement, influencer na pilit na pilit isupalpal yung produkto sa harapan mo.
Sasabihin na nag-mimissout ka o kaya naman pinipilit ka subukan to.
Saludo naman ako kasi epektibo sila mag-kumbinsi na gumastos ka.
Wala ka nan gang pera pipigain ka pa.
Choice mo eh! Sabi nga ng iba.
Totoo, choice mo. Pero, pag-hindi ka naman sumunod o hindi ka napilit ikaw ang luwas sa society.
Pero, hindi ito yung nakakalungkot. Ang dismaya pag-inoobserbahan mo yung paligid mo.
Nagiging identity na ng iba yung kanilang binili. Dahil nakaka-yaman, nakaka-angat, at nakakapag-gaan ng loob.
Ang malala nagiging self-serving cycle pa ito.