Backlog

Marami akong posts na nagawa na na-accumulate sa lahat ng mga taon na nagsimula ako magsulat sa WordPress.

At sa totoo lang, lahat naman to mababaw.

Hindi siya yung nakakapanibago ng buhay at hindi rin ito mahalaga. Aminado naman ako rito na yung WordPress para sakin ay outlet ng emosyon na hindi ko basta basta malalabas na hindi ako hinuhusga.

Gusto ko man magbigay ng value (halaga) sa mga sulat ko, pero an oba maibabahagi na makakatulong sa iba na hindi pa nagagawa ng iba?

Wala na ata, at nakakadismaya.

Leave a comment