Ang huling Filipino

Hindi ko alam bakit, pero kinakabahan ako sa mga sumusunod na dekada. Pakiramdam ko na mawawala at mamatay na yung wikang Filipino kapalit sa Ingles. Kada hakbang ko sa mga komunidad pangmayaman at ng pangmahirap, Ingles yung karaniwang kong naririnig. Kung hindi man nag-Iingles maririnig ko may nagtuturo sa mga bata kung pano magsalita ng … Continue reading Ang huling Filipino

Hilata

Ang sarap humilata at walang gawin. Pero, meron dun sa pinakasulok ng ulo mo na nagsasabi sayo, "Oy, may kailangan ka pa gawin. 'Pag di mo ginawa to isa kang palpak." Grabe. Sobrang hirap talaga tanggalin yung boses na yun para sakin. Matagal ko na kang gusto patahimikin, pero sobrang hirap talaga. Mabuti na lang … Continue reading Hilata

Pagpulong

Tuwing nagpapupulong kami ng mga groupmates ko, ang sarap sa pakiramdam na lahat sila gusto maging parte ng proyekto. Yung mga tipong taong willing magcontribute. Grabe, sobrang bihira lang yung mga taong ganon. Ako naman sobrang swerte na naging kagrupo sila sa tatlong iba’t ibang subject. Sa grupo na to, alam ko na lahat ng … Continue reading Pagpulong

Inggit

Kagabi nagising ako sa isang usapan ng kababatang kong kapatid at yung kaibigan niya sa Discord. Hindi ko mapigil sarili ko na makinig habang nagkukunwaring natutulog. Pinaguusapan nila yung perang nakita nila, mga oportunidad na lumayas sa tahanan, at mga paraan para palaguin yung pera nila sa crypto at mga larong MMORPG. Nung naririnig ko … Continue reading Inggit

Benta

Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakapagbenta online. Nakikita ko lang yung ate ko nagbebenta ng mga cookies at mga ganon pero hanggang abot-abot lang ako sa courier. Yung bunso naman namin puro virtual mga ka-transaksyon umaabot siya sa MMORPG, Crypto, at kung ano-ano pa! Hindi ko nga alam kung papaano gumagana yun eh. … Continue reading Benta

Kapaligiran

Alam ko na implupluwensiyan ako ng kapaligiran ko. Kadalasan nasisipagan ako gumawa ng mga gawain, ipagbuti aking pag-aaral, atsaka simulan ang mga bagay na gustong-gusto kong simulan. Pero tuwing nakikita ko ang mga kapatid at tatay ko na para bang sumuko na sa kahirapan ng buhay, tinatamad na rin akong gumalaw. Ano ang silbi ng … Continue reading Kapaligiran