Alam ko na implupluwensiyan ako ng kapaligiran ko.
Kadalasan nasisipagan ako gumawa ng mga gawain, ipagbuti aking pag-aaral, atsaka simulan ang mga bagay na gustong-gusto kong simulan.
Pero tuwing nakikita ko ang mga kapatid at tatay ko na para bang sumuko na sa kahirapan ng buhay, tinatamad na rin akong gumalaw. Ano ang silbi ng paghihirap ko kung hindi ka makakaangat sa hirap ng buhay?
Para bang walang silbi gumalaw kasi wala naman din mapaptunguuan. Ang sarap na lang humilata sa kama at sisihin ang mundo kung bakit naging ganito ang buhay namin.
Naiintindihan ko naman yung perspektibo nila kaya. Marami ng pinagdaanan at paghihirap na dinanas pero wala pa rin nangyari sa buhay. Ganun pa rin at walang pagbabago.
Sino ba naman hindi mabibigo sa buhay kung walang resulta lahat ng paghihirap mo? Wala. Sa alam ko walang ganong tao. Kung meron man, wala pa akong nakikilalang ganon.
Pero, magpapatuloy pa rin ako itapak na pa abante ang aking paa umaasang madadatnan ko ang magandang kinabukasan.
Ang hirap paniwalaan na may mararating ako kasi ang aking pamilya ang ebidensya na kahit gaano pa katiyaga magtrabaho may pagkakataon na walang ka paring mapupuntahan.
magpapatuloy pa rin ako itapak na pa abante ang aking paa umaasang madadatnan ko ang magandang kinabukasan 💗
LikeLiked by 1 person